top of page

Dumaraming Exiters from Philippines and Abroad Naitala!

Updated: Jun 4, 2025


Sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng MCGI Exiters, isang mainit na ulat mula sa Oman at Pilipina, may maraming mga kapatid na tahimik na lumalayo sa samahan dahil sa matinding pagkadismaya, hindi na dumadalo, at tumitigil na rin sa pag-aabuloy.





Ayon sa kanilang pahayag, karamihan sa mga nasa Middle East, partikular sa Oman, ay matagal nang hindi aktibo ngunit pinipilit pa rin at kinokonsensya ng pamunuan.


Ginagawang target ang mga bisita sa FND (Fiesta ng Dios) upang takutin gamit ang usual gaslighting tulad ng: “Nakaalam ka na ng katotohanan. Maiimpyerno ka na!”


Ngunit taliwas sa inaasahan, wala maski isang bisita ang natakot ng malamyang pananakot ng kulto at bagkus mas lalo pang lumalawak ang damdaming nais nang mag-exit.


Sa Pilipinas naman, kapansin-pansin umano ang dami ng ayaw na, nagdududa, at tahimik nang lumalayo. Ayon sa testimoniya ng isang kapatid na MCGI AddPro, halos lahat ng kanyang nakausap sa kanyang bakasyon ay nais nang kumalas sa samahan.


Nagpahayag ng pasasalamat ang mga bagong exiters sa mga content creators at dating kasamahan na naglalantad ng katotohanan gaya nina DK, Jr Badong at CJ Perez.


Iba na ang ihip ng hangin. Ang Silent Exiters hindi na nananahimik.


Unti-unti nang sumisigaw ang katotohanan


Ang mga miyembro ng MCGI sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagigising sa sistematikong panggigipit, kawalan ng malasakit, at garapalang paglalaway sa abuloy ng iilang nakikinabang.


Naglalarawan lang ito na ang MCGI ay nahaharap sa matinding krisis. Krisis na bunga ng walang habas na pa-target na ikinukubli sa ilalim ng “gawang mabuti” at sa walang kabusugang paglilingkod sa tagapamahala para sa personal na pakinabang.


Hindi na nakapagtataka kung bakit sunod-sunod ang tumutugon sa panawagan ng lahat na mag-exit na labas sa kulto!


Reported by u/Daniel_Veneers

 

Livestream guests, podcast contributors, and individuals referenced in our articles appear in their personal capacity.


They do not represent the official stance of the Post-MCGI Society unless expressly stated.

Authors

Rosa Rosal 

Geronimo Liwanag

Shiela Manikis

Daniel V. Eeners

Contributors

Ray O. Light

Lucious Veritas

Duralex Luthor

Follow Us

  • TikTok
  • Reddit
  • Facebook
  • MCGI Exiters Community Prayer

Get in Touch

Sign Up for Community News

Disclaimer:

 


This website exists for educational, awareness, and advocacy purposes, focusing on the analysis and critique of high-control religious practices. Our goal is to promote recovery, informed dialogue, and public understanding of religious excesses and systems of coercion.

 

We do not promote hatred, violence, or harassment against any group or individual.

Some posts include satirical elements or humorous twists intended to provide lightness and relatability amidst serious subject matter.

 

All views expressed are those of the content creators. Podcast guests and individuals mentioned in articles or features are not affiliated with or officially connected to the MCGI Exiters team, unless explicitly stated.

bottom of page