MCGI is criminally-liable for church-sponsored character assassination
- Sudden Version
- 20 hours ago
- 2 min read
Mga exiters na dumaranas ng mental health issue ay pinaratangan pa ng mga KNP at ng liderato na alcoholic. Ito’y dapat papanagutin sa mata ng batas.
Kapag umalis ka sa grupo, sisiraan ka, kakalkalin ang personal mong buhay, paparatangan ng masama, at pagbabantaan pati ang trabaho o negosyo mo.
Lahat ng ito ay dokumentado, nangyayari, at patuloy na isinasagawa sa ilalim ng kanilang kulturang mafia sa pangangasiwa.
Ito ay malinaw na:
Blackmail at harassment — Ginagamit ang impormasyon na nakalap sa loob ng samahan laban sa dating miyembro. May mga kaso ng pagbabanta sa online, stalking, at paglalantad ng personal na impormasyon (doxxing).
Character assassination — Ginagawang propaganda ang pagsira sa reputasyon ng dissenters. Pinapakalat sa mga kapatid na “nasiraan ng bait” o “makasalanan” ang umalis para hindi tularan.
Silencing dissent — Sinumang magtanong, kumwestyon, o maglabas ng puna ay agad tinatanggalan ng karapatan, pinapahiya, o pinapalabas na “kaaway ng Dios.”
Bakit ito isang krimen laban sa demokrasya?
Ang tunay na demokrasya ay pinapahalagahan ang karapatan sa malayang pag-iisip, malayang pananalita, at karapatang magduda sa kahit sinong awtoridad. Pero sa MCGI, bawal magtanong. Bawal magsalita. At lalong bawal maglabas ng saloobin. Kapag ginawa mo ‘yan, ituturing kang traydor, pasaway, o demonyo.
Hindi ito disiplina. Ito ay pananakot upang manahimik. At ang ganitong klase ng pananahimik ay panunupil.
Mahalagang babala:
Ang MCGI Exiters ay kasalukuyang nagdodokumento ng mga insidente ng paninira at pananakot.
Lahat ng screenshots ng mga manggagawa, servants o kahit na ordinaryong miyembro na sangkot ay kino-compile na as evidence ng aming mga abogado.
Kapag mapatunayang ito ay isang large scale campaign ay baka umabot ito sa isang class action suit laban sa mga responsable hindi lang sa liderato kundi pati sa mga aktibong nakikilahok sa harassment, mapa miyembro man, may katungkulan, at manggagawa.
Comments